Muslim student leaders sa mga eskuwelahan sa Maynila, pupulungin ng pulisya

By Ricky Brozas February 24, 2020 - 09:20 AM

Nakatakdang pulungin ng pamunuan ng Manila Police ang mga student leaders ng Muslim community sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MPD Public Information Office, nakikipag-ugnayan na sa MPD Salaam police para sa isasagawang pulong.

Layon nito na mapagtagumpayan ang mga proyekto at aktibidad na ilalatag sa muslim students sa high school, colleges at mga unibersidad para sa Muslim community.

Una nang nagpalabas ng memorandum si NCRPO PMGen. Debold Sinas patungkol sa Directorate for Police Community Relations (DPCR) Salaam Police Smart Policing ngunit binawi rin matapos na lumikha ng pangamba at duda sa hanay ng muslim community na ant kautusan ay para sa.profiling ng mga mag-aaral na Muslim.

Ngunit pinaliwanag ni Sinas na nais lamang ng kanyang pamunuan na matukoy ang statistics ng Muslim students sa Lungsod ng Maynila upang mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng pulis at mga muslim.

TAGS: manila police, MPD, Muslim Community, muslim students, manila police, MPD, Muslim Community, muslim students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.