Halos 200 medical personnel magbabantay sa mahigit 400 ililikas na Pinoy mula sa MV Diamond Princess

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2020 - 09:08 AM

Aabot sa halos 200 medical personnel ang magbabantay sa kondisyon ng mga ililikas na Pinoy na pawang mula sa MV Diamond Princess sa Japan.

Bukas ay inaasahang darating na sa bansa ang mahigit 400 Pinoy mula MV Diamond Princess. Karamihan sa kanila ay pawang crew ng barko habang 6 ang pasahero.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Department of Health (DOH) Assistant Sec. Rosario Vergeire, mayroon nang sampu ang nasa Japan ngayon.

Sila ang makakasama ng mga Pinoy mula sa bus patungong Haneda Airport at hanggang sa eroplano pabalik dito sa Pilipinas.

Pagdating sa New Clark City sa Tarlac kung saan sasailalim sa 14 na araw na quarantine ang mga Pinoy ay 25 teams ang magpapalitan sa pagbabantay sa kanila.

Bawat team ay mayroong 4 hanggang 5 medical personnel kabilang ang duktor at nurse.

Muling sinabi ni Rosario Vergeire na ang mga Pinoy ay sasailalim sa pagsusuri bago sila isakay ng eroplano.

Ang mga magpopositibo ay iiwanan sa Japan para magpagaling doon.

Tanging ang mga negatibo lamang sa COVID-19 ang iuuwi sa Pilipinas.

TAGS: COVID-19, Filipino Crew, Inquirer News, mv diamond princess, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, Filipino Crew, Inquirer News, mv diamond princess, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.