32 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag
Nakapagtala ng 32 volcanic earhtquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Phivolcs, mahihina lamang ang naitalang pagyanig at hindi naman naramdaman ng mga residente.
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala din ng mahihinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa crater ng Bulkang Taal na umabot sa 50 hanggang 100 meters ang taas.
Nakataas pa rin ang alert level 2 sa Taal Volcano at pinapaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na posible pa rin ang pagkakaroon ng biglaang phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at expulsions ng volcanic gas.
Mahigpit pa rng ipinagbabawal angpagpasok sa Taal Volcano Island na sakop ng permanent danger zone ayon sa Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.