63 na Pinoy positibo sa COVID-19 sa iba’t ibang mga bansa

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2020 - 08:36 AM

Aabot na sa 63 mga Pinoy ang positibo sa COVID-19 sa iba’t ibang mga bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Department of Health (DOH) Assistant Sec. Rosario Vergeire na umabot na sa 59 na Pinoy ang nagpositibo sa COVID-19 mula sa MV Diamond Princess

Mayroon namang dalawa sa Hong Kong at tig-isa sa Singapore.

Habang patuloy na bineberipika ng DOH ang ulat na isang Pinoy sa South Korea ang nagpositibo sa COVID-19.

Patuloy ang pagbabantay ng mga opisyal ng embahada at konsulada ng Pilipinas sa mga Pinoy na apektado ng sakit.

Nananatili namang walang Pinoy na tinamaan ng COVID-19 dito sa Pilipinas.

Ang tatlong naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa ay pawang mga Chinese National.

TAGS: COVID-19, department of health, Filipinos Abroad, Health, Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, department of health, Filipinos Abroad, Health, Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.