Temperatura na naitala sa ilang bahagi ng Luzon tumaas na dahil sa paghina ng Amihan
Tumaas na ang temperatura na naitala ng PAGASA sa maraming lugar sa bansa dahil sa paghina ng Amihan.
Ayon sa PAGASA, alas 5:00 ng umaga ngayong Lunes, Feb. 24 ay naitala ang sumusunod na temperatura sa ilang bahagi ng Luzon:
Baguio City – 15.0 degrees Celsius
PAGASA Science Garden, QC – 23.9 degrees Celsius
Tanay, Rizal – 20.2 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 23.2 degrees Celsius
Laoag City – 24.4 degrees Celsius
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA weather speacialist Raymond Ordinario na posible pang magkaroon ng isa pang bugso ng Amihan bago matapos ang buwan ng Pebrero.
Matapos ito ay tuluyan na itong hihina at papasok na ang dry season o panahon ng tag-init sa bansa.
Noong Biyernes ng umaga ay bumagsak pa sa 9.4 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City.
Ito na ang pinakamababang temperatura ngayong taon sa Baguio City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.