Biyahe ng tren sa Austria na mula at patungong Italy sinuspinde na dahil sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2020 - 06:45 AM

Sinuspinde na ng Austria ang lahat ng biyahe ng mga tren nito mula at patungong Italya.

Ito ay kasunod ng mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Italy kung saan tatlo na ang nasawi.

Simula Linggo ng gabi, hindi na pinapasok sa Austria ang isang tren na galing Italy.

Ito ay matapos sabihin ng Italian State Railways na dalawa sa pasahero ng tren ang may sintomas ng lagnat.

Hindi na rin pinabiyahe ang tren mula Venice patungong Munich.

Sa Italy ay nagpapatupad na ng lockdown sa mga bayan na apektado ng COVID-19.

TAGS: Australia, COVID-19, Inquirer News, italy, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Train, Australia, COVID-19, Inquirer News, italy, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.