San Isidro, Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 3.8 na lindol
Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng San Isidro sa Surigao Del Norte.
Naitala ang pagyanig sa layong 2 kilometers northwest ng San Isidro alas 2:35 ng madaling araw ng Lunes, Feb. 24.
Ayon sa Phivolcs, tectnic ang origin ng pagyanig at may lalim na 1 kilometer lamang.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.
Samantala, niyanig din ng magkasunod na lindol ang Davao Occidental at Davao Oriental.
Unang naitala ang magnitude 3.3 na lindol Sarangani, Davao Occidental alas 12:00 ng madaling araw.
3 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Alas 4:05 naman nang tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental.
Naitala ang pagyanig sa 154 kilometers southeast ng Governor Generoso.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang tatlong pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.