NBC at Univision umatras na sa airing Miss Universe Pageant

July 03, 2015 - 08:58 AM

donaldtrump_img
Larawan mula sa www.trump.com

Umatras na bilang partner at hindi na rin mapapanood sa Univision at NBC Universal ang Miss Universe Pageant kung saan ay part owner ang Real Estate bigwig at U.S Presidential candidate na si Donald Trump.

Pati ang kilalang clothing line na Macy’s ay umatras na rin bilang major partner ng Miss Universe Pageant na nakatakdang ganapin sa July 12 sa Baton Rouge sa Louisiana USA.

Ito ay dahil sa hindi nagustuhan ng naturang mga kumpanya ang racist remarks ni Trump laban sa mga immigrants na galing sa Mexico.

Nauna dito ay tinawag na rapist at mga drug dealers ni Trump ang mga Mexicans nang siya’y maging guest sa CNN Tonight.

Isinisisi nya sa mga Mexicans ang mataas na kaso ng panggagahasa at patayan dahil sa talamak na illegal drugs na umano’y dala ng mga Mehikano na nag-uunahang pumasok sa America.

Dahil sa naging pahayag ni Trump ay pinauwi na rin ng Mexican government ang kanilang opisyal na kandidata sa Miss Universe.

Inaasahan din na marami pang mga major sponsors ang aatras sa show dahil sa mga naging pahayag ni Trump.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng official statement ang Miss Universe Organization kung paanong mapapanood worldwide ang naturang beauty pageant makaraang umatras ang kanilang major media partner na NBC Universal./ Den Macaranas

TAGS: donald trum racist remarks, miss universe, Radyo Inquirer, donald trum racist remarks, miss universe, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.