3 pang Pinoy sa HK naka-quarantine dahil sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2020 - 05:05 AM

Tatlong Pinoy na lamang ang nananatiling naka-quarantine sa Hong Kong dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa update mula sa Philippine Consulate Office sa Hong Kong, ang tatlo ay pawang maayos na ang kondisyon ay asymptomatic.

Inaasahang matatapos ang kanilang quarantine ngayong linggo.

Maliban sa kanila, mayroong tatlong nauna pang Pinoy na nakatapos na 14 day mandatory quarantine.

Samantala, ang isang Pinoy sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19 ay negatibo na sa sakit.

Nananatili ito sa pagamutan at inaasahang makalalabas na rin ng ospital ngayong linggo.

TAGS: COVID-19, Hong Kong, Inquirer News, News in the Philippines, ofw, PH news, Philippine breaking news, philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, Hong Kong, Inquirer News, News in the Philippines, ofw, PH news, Philippine breaking news, philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.