Pinoy sa Singapore nagpositbo sa COVID-19
By Dona Domiguez-Cargullo February 23, 2020 - 07:20 PM
Isang Pinoy sa Singapore ang nagpositibo sa sakit na coronavirus disease o COVID-19,
Ito ang unang pagkakataon na mayroong Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa Singapore.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Brigido Dulay, ang Pinoy ay nasa isolatation sa National Center for Infectious Diseases ng Singapore.
Patuloy ayon kay Dulay ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa Singapore sa mga health authorities para mabantayan ang kondisyon ng Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.