Bukod dito sabog din si Eleazar Lumawag, truck driver na pumatay sa isang mag-ina, 12 ang sugatan sa Tungkong Mangga, San Jose Del Monte nang araruhin ang mga sasakyan at bahay doon.
Napanood niyo rin marahil ang video ng pamamarill ng isang adik sa “tindero ng pares” sa Baseco compound, Tondo. Nanisi pa ang suspek dahil hindi raw binigay agad ang hinihingi niya.
Naalala niyo ba yung dalawang senior citizens ang mag-asawang Ollano sa Barangay Commonwealth, Quezon City na napatay?
Pati mga puli , mga adik na rin, isang police lieutenant at staff sergeant ng NCRPO, ang nagpositibo rin sa droga, ayon mismo sa PNP random drug test.
Saan kumukuha ng suplay ng shabu ang mga truck driver, Makati jeepney drivers, holdaper at akyat bahay na ito? Tila talamak na naman ang bentahan ng shabu at wala na namang takot ang mga small-time pushers.
Kung susuriin, mga simpleng tao, pati kabataan na ang nahuhuling nagtutulak at nahuhulihan ng milyun-milyong pisong halaga ng shabu.
Nitong Sabado February 21, isang saleslady at dalawang kakuntsaba sa Novaliches ang nakunan ng P3M sa isang convenience store. Sa Muntinlupa, P3.4M ang nahuli sa Lakefront mula sa dalawang pusher .
February 20, meron na ngayong “injectable shabu” sa 26 syringes na nahuli sa dalawang kabataang suspect sa Bgy Highway Hills, Mandaluyong City.
February 17 sa Taguig, P2.9M na shabu ang nahuli sa pitong suspect.
February 11, dalawang Nigerian nationals na merong P68M shabu ang nahuli sa Amoranto Complex sa QC.
February 5, apat na suspects, kasama ang isang estudyante ang nahulihan ng P10M shabu sa Bgy Tugatog, Malabon
February 3, Sa Bgy Palanan, Makati, lima ang inaresto, kabilang ang tatlong babae sa P1.3M shabu.
February 2, isang Thai drug mule nahuli sa NAIA na may dalang P28M shabu.
January 29 sa Tala, Caloocan, P8M shabu ang nakuha sa isang 23 anyos na pusher, at
January 30 sa Navotas, dalawang menor de edad ang nahulihan ng P2.7M sa Bgy Tangos north.
Isipin ninyo, mga kabataan itong nagtutulak ng P8M at P2.7M, talagang tumitindi na naman ang “demand” ng suplay ng shabu sa mga kalsada na pati siguro Facebook, twitter at social media ay ginagamit. At dahil “easy money” at parang tumigil na ang pagpatay ng mga aanti-drug vigilantes o mga pulis sa mga drug pushers, balik na naman sila sa negosyo. Hindi rin ako magtataka kung sangkot na rin ang mga pulis na pinapayagang makalaya ang kanilang mga nahuhuling mga pushers. Dapat non-bailable ito pero marahil sinasadya na namang maliin ang kanilang mga report o hinaan ang ebidensya, kayat binabasura sa piskalya.
Pero, iba ang epekto nito sa lansangan dahil ang mensahe ay tuloy na naman ang kanilang pagtutulak ng shabu. At dahil diyan, hindi ako nagugulat na naka-shabu na naman ang ating mga jeepney driver, truck drivers, mga holdaper at adik sa lansangan.
President Duterte, PNP at PDEA, HOY GISING!!!!