Philippine Consulate General sa Milan, pinag-iingat ang mga Pinoy kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa Hilagang Italya

By Angellic Jordan February 23, 2020 - 04:00 PM

Nanawagan ang Philippine Consulate General sa Milan na maging maingat laban sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Hilagang Italya.

Ayon sa konsulado, sundin ang mga panuntunan na inilabas ng World Health Organization (WHO) para maiwasan ang nasabing sakit.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Laging maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon o linisin ito gamit ang alcohol o sanitizer.
– Kapag uubo o babahing, magtakip ng bibig at ilong gamit ang tissue at itapon agad sa saradong basurahan.
– Panatilihin ang hindi bababa sa isang metrong layo sa isang tao lalo na sa mga mayroong ubo, sipon at lagnat.
– Iwasang hawakan ang mata, ilong at bibig kapag hindi pa nalilinis ang kamay.

Sakaling makaranas ng sintomas ng virus, sinabi ng konsulado na agad magpakonsulta sa doktor para hindi makahawa sa iba.

Maaari rin anilang tumawag sa toll-free number na 1500 ang mga nakakaramdamn ng sintomas ng sakit.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, COVID-19 cases in Italy, Philippine Consulate General in Milan, coronavirus disease, COVID-19, COVID-19 cases in Italy, Philippine Consulate General in Milan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.