Bilang ng mga PUI na nananatili sa ospital, nasa 131 – DOH

Photo grab from DOH website

Nadagdagan ng dalawa ang bilang ng ‘patients under investigation’ (PUI) na posibleng apektado ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang February 23, umabot na sa kabuuang 608 ang PUIs sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, nasa 131 PUIs ang nananatiling naka-confine sa ospital.

474 naman ang PUIs na nakalabas na ng ospital.

Pinakamarami pa ring naitalang PUIs sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa DOH, nananatili pa rin sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Read more...