Anti Political dynasty bill, patay na rin-Belmonte

By Jay Dones February 03, 2016 - 04:36 AM

 

Inquirer file photo

Tulad ng Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region o BLBAR, patay na rin ang Anti-political Dynasty bill sa Kamara.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., hindi na rin maipapasa ang naturang panukala sa 16th Congress dahil magtatapos na ang sesyon ngayong araw.

Gayunman, dahil aniya sa anti-dynasty provision ng SK law, nasa 17th Congress na ang hakbang upang makapagpanukala ng enabling law para dito.

Nangako naman si Belmonte na isusulong ang pagsasabatas ng anti-political dynasty bill sa susunod na Kongreso.

1987 pa aniya ay laman na ng Salgang Batas ang pagbabawal sa mga political dynasties ngunit hindi ito naipatupad.

Paliwanag pa ng mambabatas, sa ilalim ng Article II Section 26 ng 1987 Constitution, ginagarantiyahan ng Estado ang pantay na pagkakataon para sa sinumang nais na magbigay ng serbisyo sa publiko at ipagbawal ang political dynasties.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.