Sarangani, Davao Occidental nilindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 115 kilometers Southeast ng Sarangani dakong 8:42 ng umaga.

1 kilometer ang lalim nito at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na walang nasirang ari-arian sa lugar.

Wala rin anilang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...