38 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Taal sa magdamag
Nakapagtala ng 38 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Sa volcanic bulletin, sinabi ng Phivolcs na patuloy pa rin ang paglabas ng steam-laden plumes ng bulkan na may 50 metro ang taas.
Dahil dito, nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang Taal Volcano.
Paalala naman ng Phivolcs sa publiko, maari pa ring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at paglabas ng volcanic gas.
Mahigpit pa rin ang rekomendasyon ng ahensya na pagbabawal na makapasok sa Taal Volcano Island na itinuturing na Permanent Danger Zone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.