PNP chief Gamboa, binigyan ang regional directors ng isang linggo vs illegal gamling ops

Nagbigay si Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa ng isang linggo sa mga regional director para ihinto ang illegal gambling operations.

Sa isang press conference, ipinunto ni Gamboa sa mga regional director na ibinigay na niya ang listahan ng mga illegal gamling operator sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Aniya, kung hindi mahihinto, matatanggal sila sa kanilang pwesto.

Noong Miyerkules, pinaalalahanan ni Gamboa ang mga pulis na huwag magpasuhol sa mga operator ng ilegal na sugal.

Read more...