DOH, tututukan pa rin ang mga Filipinong nagmula sa Wuhan
Inihayag ng Department of Health (DOH) na patuloy pa ring tututukan ang mga Filipinong napauwi mula sa Wuhan City, China.
Ito ay kahit na nakumpleto ng mahigit 30 Filipino ang 14-day quarantine period sa Athlete’s Village sa bahagi ng New Clark City sa Capas, Tarlac.
Sa isang panayam, sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na magsasagawa pa rin ng follow-up bago sila makauwi sa kani-kanilang pamilya.
Bibigyan din aniya ang bawat Filipino ng numero ng kagawaran para makatawag agad sakaling makaramdam ng sintomas ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Kabilang sa mga makakauwi na rin ang 19 staff members na tumulong sa pagsailalim sa quarantine ng mga Filipino.
Matatandaang sa Wuhan City sa Hubei province nagsimula ang COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.