Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ay matapos makatanggap ng “clean bill health” ang 30 Filipino mula sa Department of Health (DOH).
Dahil dito, maaari nang umalis ang nasabing bilang ng mga Filipino sa Athlete’s Village sa Capas, Tarlac.
Maliban sa 30 Filipino, isinailalim din sa quarantine ang 10 miyembro ng Health Emergency Response Team (HERT) mula sa DFA at DOH, anim na flight crew members, at tatlong ground crew operators.
Hindi rin nakitaan ang mga ito ng sintomas ng sakit.
Noong February 9, napauwi ang 30 Filipino mula sa COVID-19 ground zero at agad dinala sa quarantine facility sa Tarlac.
Samantala, sa mga susunod na araw, sinabi ng DFA na dadalhin naman pauwi ng Pilipinas ang mahigit 400 Filipinong sakay ng M/V Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, Japan.