Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Yumanig ang magnitude 4.3 na lindol sa Calayan, Cagayan Sabado ng tanghali.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 74 kilometers Northwest ng Calayan bandang 12:31 ng tanghali.

23 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Laoag City at Pasuquin, Ilocos Norte.

Tiniyak naman ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...