Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan sa magdamag
By Angellic Jordan February 22, 2020 - 01:03 PM
Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division bandang 6:00 ng umaga, nasa 202.28 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam.
Mas mababa ito kumpara sa 202.48 meters na naitala noong Biyernes, February 21.
Maliban dito, bumaba rin ang antas ng tubig sa Ipo, La Mesa, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat Dams.
Bahagya namang nadagdagan ang tubig sa Ambuklao at Caliraya Dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.