Umano’y Anti-Duterte film inalis sa hanay ng mga pelikulang kalahok sa 2020 Sinag Maynila film fest
Inalis na sa hanap ng 2020 Sinag Maynila film fest ang pelikulang Walang Kasarian Ang Digmang Bayan na unang tinaguriang “anti-Duterte film”.
Naging kontrobersiyal ang pelikula dahil isa sa mga linya ng aktres na si Rita Avila sa kaniyang ginagampanang papel ang salitang “Ako mismo ang papatay kay Duterte!”.
Ang papel ni Avila bilang Virgie sa pelikula ay galit sa ipinatutupad na war on drugs ni Pangulong Duterte.
Unang inanunsyo na kalahok sa 2020 Sinag Maynila film fest.
Pero sa anunsyo sa Facebook page ng Sinag Maynila film fest sinabi na ipinu-pull out na ang pelikula sa festival.
Hindi na umano kasama ang pelikula sa Full Length Category finalists.
Ito ay matapos na magkaroon umano ng pagbabago ang palikula base sa orihinal na script na inaprubahan.
Una rito sinabi ng direktor ng pelikula na si Jay Altarejos na payag siyang ibahagi sa publiko ng libre ang pelikula sa pamamagitan ng internet kung magkakaroon ng problema para sa showing nito.
Ang Sinag Maynila Film Festival 2020 ay gaganapin sa March 17 hanggang 24.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.