Speaker Cayetano “may tama at may mali rin” sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN ayon kay Sen. Lacson

By Jan Escosio February 21, 2020 - 06:16 PM

Kinampihan ni Senator Panfilo Lacson si House Speaker Alan Peter Cayetano sa posisyon nito na ang local bills ay kinakailangan na magmula muna sa Mababang Kapulungan.

Ngunit sinabi din ni Lacson na mali si Cayetano na ihambing sa Charter change ang isyu sa prangkisa ng ABS CBN.

Paliwanag nito, ilang beses nang nangyari na nauunang magsagawa ng committee hearings sa Senado bago pa man maipadala ng Kamara ang inaprubahan nilang bersyon ng panukala.

Magkakaroon na lang aniya ng paglabag kung ang namumuno sa komite ay ilalatag na sa plenaryo ang committee report ng wala pa ang bersyon ng Kamara.

Hindi pa ito ginagawa sa Senado, ayon pa kay Lacson at aniya hindi ito gagawin ng senador.

Sa pagkakaintindi din ni Lacson, ang tatalakayin ng Public Service Committee ni Sen. Grace Poe sa Lunes ay hindi ang mga panukala kaugnay sa prangkisa ng ABS CBN kundi ang mga sinasabing paglabag ng media network na inilatag na ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.

TAGS: ABS-CBN, Cayetano, franchise issue, Inquirer News, lacson, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN, Cayetano, franchise issue, Inquirer News, lacson, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.