SP Tito Sotto idinepensa ang senado sa mga banat ni Speaker Cayetano

By Jan Escosio February 21, 2020 - 05:43 PM

Ipinagtanggol ni Senate President Vicente Sotto III ang Senado at mga kapwa senador sa banat ni House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay sa ikakasang pagdinig sa isyu na kinasasangkutan ng ABS CBN.

Paliwanag ni Sotto ang pagdinig ng Committee on Public Services, na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe, ay hindi sesentro sa hirit na bagong prangkisa ng ABS CBN kundi sa mga sinasabing paglabag ng broadcast network.

Aniya may mga resolusyon para busisiin sa Senado ang mga sinasabing paglabag na binanggit din ni Solicitor General Jose Calida sa inihain niyang quo warranto petition sa Korte Suprema.

Dagdag pa ni Sotto, ang anuman committee hearing ay hindi maituturing na ang buong Senado at aniya ang mga namumuno sa mga komite ay may kapangyarihan na magsagawa ng pagdinig sa mga isyu na sa kanilang palagay ay dapat nilang mabusisi.

Sinabi pa nito ang anumang pagdinig ng komite ay hanggang sa kanila lang at hindi pa para sa buong Senado.

TAGS: ABS-CBN, franchise issue, House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vicente Sotto III, ABS-CBN, franchise issue, House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.