8 pang Pinoy na mula sa MV Diamond Princess nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 05:32 PM

Walo pang Pinoy ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na mula sa MV Diamond Princess.

Ayon kay Department of Health (DOH) Asst. Sec. Maria Rosario Vergeire, umabot na sa 52 ang bilang ng mga Pinoy mula sa cruise ship ang nagpositibo sa sakit.

538 na Pinoy ang sakay ng naturang barko na karamihan ay crew.

Sa Linggo, Feb. 23 ay target ng pamahalaan na mailikas na sila at maiwui sa Pilipinas.

Pero wala pang eksaktong bilang ang DOH kung ilan ang mga Pinoy na ililikas.

Ang mga magnenegatibo lang sa COVID-19 ang ililikas.

May mga nauna na ring Pinoy crew ang nagsabing mananatili sila doon at hindi na lamang magpapalikas.

 

TAGS: China, COVID-19, disease, Filipino Crew, Health, hubei province, Inquirer News, mv diamond princess, ncov, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, COVID-19, disease, Filipino Crew, Health, hubei province, Inquirer News, mv diamond princess, ncov, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.