Red alert status posibleng maranasan sa Luzon grid sa Abril hanggang Mayo

Posibleng simula sa buwan ng Abril hanggang sa buwan ng Mayo makaranas ng pagtataas ng red alert status sa Luzon grid.

Inaasahan kasi ayon sa Department of Energy (DOE) ang pagtaas ng demand sa kuryente sa summer season at pagnipis ng reserba ng kuryente.

Ayon sa power situation outlook ng DOE, maaring itaas ang red alert sa Luzon grid mula sa ika-18 linggo hanggang ika-21 linggo ng taon.

Sa sandaling magkaroon ng pagtataas ng red alert ay maaring makaranas ng rotational brownout sa Luzon.

At kapag dumalas ang pagtataas ng red alert maari din itong magresulta sa pagtataas ng halaga ng kuryente.

Read more...