Dating Health Sec. Garin, 9 na iba pa pinakakasuhan ng DOJ kaugnay sa pagkasawi ng mga batang naturukan ng Dengvaxia
May nakitang sapat na batayan ang Department of Justice (DOJ) para isulong ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban kay dating Health Sec. Janette Garin.
Ito ay kaugnay ikalawang batch ng reklamo na inihain hinggil sa pagkasawi ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.
Maliban kay Garin, siyam na iba pang opisyal ng DOH kabilang ang mga opisyal mula sa Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Sanofi Pasteur ang kinasuhan.
May nakita ring sapat na batayan ang DOJ para isulong ang kasong paglabag sa Consumer Act of the Philipines laban sa presidente ng Sanofi dahil sa paggawa ng bakuna na may banta sa mga “seronegatives” o iyong mga hindi pa nagkaka-dengue.
Nakasaad din sa resolusyon ng DOJ na nagkaroon ng kapabayaan sa panig ni Garin at iba pang respondents nang ipatupad ang mass imminization program.
Hindi kasi nabigyan ng sapat na impormasyon ang mga recipient ng bakuna, kanilang mga magulang at pamilya sa kung ano ang maaring maidulot ng bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.