Walang realignment sa Metro Manila Subway – DOTr

Itinanggi ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng realignment sa daraanang ginagawang Subway.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan hindi totoo ang mga lumalabas na ulat na babaguhin ang lugar ng ilang istasyon ng Metro Manila Subway Project (MMSP).

Ayon kay Batan, mananatili ang kasalukuyang allignment ng Subway na binuo ng Kapan International Cooperation Agency (JICA) Design Team noong 2016.

Ang naturang disenyo ay inaprubahan ng Inter-Agency Steering Committee noong June 2017 at nai-endorso sa Metro Maila Council nong July 2017.

Ang Subway project na tinaguriang “Project of the Century,” ay underground rail line na inaasahang makapagseserbisyo sa 370,000 na pasahero kada araw sa sandaling maging operational na.

Ang partial operation nito ay target sa 2021.

Read more...