Random drug testing isinagawa sa mga miyembro ng PNP-NCRPO, 7 ang nagpositibo
Isinalang sa random drug testing ang ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) kung saan pito ang nagpositibo.
Aabot sa 6,000 pulis ang isinailalim sa random drug testing simula noong Oktubre 2019 hanggang Pebrero ngayong
taon.
Ayon kay Police Major Gen. Debold Sinas, hepe ng Metro Manila Police, kasama sa pitong nagpositibo ang isang sarhento na kabilang din sa drug watch list na inilabas ng PNP nitong buwan at isang police lieutenant mula Muntinlupa.
Samantala, sinabi ni Sinas na aabot naman sa 300 pulis ang iniimbestigahan dahil sa pagkakadawit din sa iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.