DOH nakapagtala ng 41 panibagong PUIs sa COVID-19

May naitalang 41 na panibagong patients under investigation (PUIs) ang Department of Health (DOH) sa COVID-19.

Dahil dito umabot na sa 597 ang kabuuang bilang ng mga naituring na PUIs ng DOH sa buong bansa.

Pero ayon sa datos, 76 percent dito o 455 na katao ay nakalabas na ng ospital.

Mayroon namang 139 pa ang naka-admit pa rin sa mga pagamitan at karamihan dito ay sa Metro Manila.

Nananatili naman sa tatlo ang nagpositibong kaso ng COVID-19 sa bansa na pawang mga Chinese national.

Read more...