Kotse sinalpok ang isang nakaparadang motor sa Negros Occidental; 4 patay

By Mary Rose Cabrales February 21, 2020 - 02:40 PM

Nasawi ang apat kabilang ang isang menor de edad sa aksidente sa Barangay Tortosa sa Manapla, Negros Occidental, madaling araw ng Biyernes (February 21).

Sumalpok at nakaladkad ng isang sedan ang isang nakaparadang motorsiklo kung saan nakaupo ang isang binatilyong 15 taong gulang na nakilalang si Jeljuredu Labrador na nakikipaglamay lamang.

Nasawi ang binatiyo kabilang na ang tatlo sa limang pasahero ng sedan na nakilalang sina Angeles Salmorin, Delina Cabana at Dolores Granada dahil sa dami ng sugat na natamo sa aksidente.

Ayon kay Manapla police chief Police Capt. Jaynick Bermudez, maaaring nakaidlip umano ang drayber ng sedan na maghahatid sana ng mga pasahero sa isang faith healer sa Capiz City kung kaya’t hindi nito napansin ang nakaparadang motorsiklo at nakaladkad hanggang sa mahulog sa kanal.

Dinala naman sa ospital ang dalawa pang nasugatan sa aksidente pero inaalam pa sa ngayon kung saan sila isinugod.

Tumanggi naman ang driver na magbigay ng pahayag.

TAGS: accident, Inquirer News, manapla, Negros Occidental, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, Inquirer News, manapla, Negros Occidental, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.