Gobyerno dapat magtayo ng maraming mga public library sa bansa

February 21, 2020 - 12:23 PM

Hinimok ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep.Niña Taduran ang pamahalaan na lumikha ng maraming children’s laboratory.

Kailangan aniya na magtayo ng maraming public libraries upang mahikayat ang mga bata na mag-aral magbasa at intindihin ang kanilang mga binabasa.

Kasama rin sa nais ni Taduran ay ang pagtatayo ng mga karagdagang mga silid-aralan na mayroong mga aklat na maaring basahin ng mga mag-aaral.

Bukod dito, kailangan din sabi ng mambabatas na bigyana ng mga guro ng mga gamit upang matulungan ang kanilang mga estudyante sa pagbaba ng maayos.

Naniniwala ang lady solon na ang kailangan ng mga mag-aaral ay suporta upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbabasa.

Pahayag ito ng mambabatas kaugnay sa ulat na nasa 40,000 na mga estudyante sa Bicol ang hirap magbasa.

TAGS: public library, reading, Students, public library, reading, Students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.