Sen. Win Gatchalian inamin na nagbago ang pananaw niya sa POGOs

INQUIRER Photo
Kasabay nang paglago ng industriya ng Philippine Offshore Gaming Operation o POGO sa bansa ang paglobo din ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese POGO workers.

Pag-amin ni Sen. Sherwin Gatchalian noong una ay natuwa siya sa POGO dahil sa pagsigla ng ilang sektor, ngunit naglaho ang kanyang magandang impresyon nang lumutang na ang mga krimen.

Kinalaunan aniya ay lumitaw na wala halos pakinabang sa pangkalahatan at nalaman niya na maging ang China ay ayaw sa sistema ng offshore gaming operations.

Sinabi ni Gatchalian ang tila nakikinabang ng husto sa POGOs ay ang mga sindikato at ang gusto sa Pilipinas ay mga banyagang negosyante na magbabayad ng tamang buwis.

Nabanggit pa nito na lumalawig sa Senado ang mga panawagan na busisiin mabuti ang POGOs at kung kakailanganin ay irekomenda ang pagpapatigil nito.

Read more...