Umano’y proposal ni Sen. Win Gatchalian kay Bianca Manalo sa Paris, “fake news”

By Jan Escosio February 21, 2020 - 11:59 AM

Fake news.

Ito ang naging mabilis na sagot ni Senator Sherwin Gatchalian kaugnay sa kumakalat na balita na inalok na niya ng kasal ang showbiz girlfriend na si Bianca Manalo.

Agad din sinabi ng senador na hindi pa sila engaged ng 2009 Binibining Pilipinas Universe winner.

Kumalat ang haka-haka na nag-proposed na ng kasal ang bachelor senator base sa mga kumalat na pictures nila ni Manalo nang magpunta sila sa Paris, France.

Sa picture nila ni Gatchalian na ang background ay ang Eiffel Tower, tila nagsasayaw ang dalawa.

Sa kanyang Instagram account, ‘save the last dance for me’ ang mensahe ni Manalo sa ilalim ng picture.

Ito ay may higit 32,500 likes at may ilan na negatibong komento, may iba na nagbiro pa na lagot si Bubbles, ang karakter ni Manalo sa TV serye na Ang Probinsiyano, kay Jerome, na ginagampanan naman ni John Pratts at kanyang ka-loveteam sa serye.

Ngunit karamihan sa mga nag-comment ay sinabi na nakakakilig ang relasyon ng dalawa.

Sa solo picture naman ni Manalo sa nasabi din lugar ay tila nagbigay payo ito kung anong tipo ng lalaki ang dapat mahalin.

Aminado naman si Gatchalian na sa panahon ngayon at dahil sa social media, wala nang maitatago.

Dagdag paliwanag pa nito na ang eksena ay ‘playful moment’ lang nila ng kanyang girlfriend.

TAGS: Bianca Manalo, engagement, France, Inquirer News, Paris, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, proposal, Radyo Inquirer, Sherwin Gatchalian, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bianca Manalo, engagement, France, Inquirer News, Paris, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, proposal, Radyo Inquirer, Sherwin Gatchalian, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.