Ilang probisyon ng Universal Health Care Law nais paamyendahan

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer News, PH News, Philippine Breaking News, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog Breaking news, Tagalog News Website February 21, 2020 - 11:55 AM

Itinutulak ni Iloilo Rep. Janette Garin na maamyendahan ang ilang bahagi ng Universal Health Care Law partikular na ang limitasyon sa paggamit ng mga bagong gamot.

Ito ayon kay Garin ay dahil maikukunsiderang restrictive sa pangangalagang pangkalusugan ang ilang probisyon ng UHC.

Ipinaliwanag ni Garin na sa ilalim ng UHC, ang bawat gamot at bakuna ay kailangang dumaan sa Phase IV o post marketing surveillance.

Ginagawa ito para patuloy na tingnan at i-monitor ang epekto ng gamot o bakuna sa buong mundo habang patuloy na ginagamit ito.

Ibig anyang sabihin na habang may access at ginagamit na ng buong mundo ang partikular na gamot o bakuna, nanonood pa lang ang mga Pilipino.

Inihalimbawa ng kongresista ang paglabas ng Fapilavir na gamot sa COVID-19 habang marami pang ibang bansa at scientists ang agresibong gumagawa ng gamot at bakuna laban sa virus.

Sabi ni Garin, kahit irekomenda pa ng WHO ang gamot, hindi pa rin agad ito tatangkilikin sa Pilipinas o kaya naman ay kailangan pang mag-abroad ng mga Pilipino para makapagpagamot.

 

TAGS: House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Universal Health care Law, WHO, House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Universal Health care Law, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.