Sundalo sugatan, kaniyang partner nasawi sa pamamaril sa Calbayog City

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 11:32 AM

Sugatan ang isang sundalo habang nasawi naman ang kaniyang live-in partner sa insidente ng pamamaril sa Calbayog City.

Sina Corporal Edgar Lerois, 37, at Flora Bonayog, 30 ay binaril habang nasa loob ng kanilang “sari-sari” store sa Barangay Tarabucan, Oquendo District.

Isang suspek na lalaki ang namaril sa dalawa.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Bonayog na kaniyang ikinsawi.

Tama naman ng bala sa kaniyang kanang braso at dinala sa Calbayog District Hospital.

Agad tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Si Lerois ay nakatalaga sa 43rd Infantry Battalion sa Lope de Vega, Northern Samar.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pamamaril.

TAGS: ambush, Calbayog City, crime, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Calbayog City, crime, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.