Mga empleyado ng gobyerno na sasailalim sa 14 na araw na self-quarantine hindi babawasan ng leave

Naglabas ng guidelines ang Civil Service Commission (CSC) sa pagsasailalim sa quarantine ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan.

Sa inilabas na memorandum ng CSC na nilagdaan ni Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, ang mga empleyado ng gobyerno na pawang frontliners, health workers, at immigration officials ay pinapayuhan na magsagawa ng self-quarantine dahil lantad sila sa banta ng COVID-19.

Ang mga empleyado ng gobyerno na bumiyahe sa mga bansang apektado ng COVID-19 at sasailalim sa 14 na araw na self-quarantine ay hindi babawasan ng kanilang leave credits.

Malinaw na isinaad sa memorandum na hindi ibabawas sa kanilang leave credits ang mga araw na sila ay nakasailalim sa quarantine.

Kapag nakakumpleto na ng 14 na araw na quarantine, ang empleyado o opisyal ng gobyerno ay kailangang magsumite ng medical certificate bago bumalik sa trabaho.

Kung absent pa rin matapos ang 14-day quarantine ay ibabawas na ang mga araw sa kanilang leave credits.

Read more...