Daan-daang Pinoy na ililikas mula Japan kayang ma-accommodate sa New Clark City

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 10:09 AM

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na kayang ma-accommodate sa New Clark City sa Capas, Tarlac ang daan-daang Pinoy na ililikas mula sa Japan.

Ang mga Pinoy na mula sa MV Diamond Princess ay ililikas na sa February 23.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na tiniyak ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na kasya ang mga ililikas na Pinoy sa Athelete’s Village.

Matatapos na rin bukas ang quarantine sa 49 na na karamihan ay mula sa Wuhan City na unang inilikas ng pamahalaan.

Sinabi ni Duque na muling magsasagawa ng pulong ang inter agency task force para plantsahin ang mga pinal na detalye at hakbang sa gagawing paglilikas sa mga Pinoy na pawang crew ng MV Diamond Princess.

TAGS: China, COVID-19, disease, doh, Health, Hubei Province PH News, Inquirer News, mv diamond princess, ncov, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, COVID-19, disease, doh, Health, Hubei Province PH News, Inquirer News, mv diamond princess, ncov, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.