3 pang pasyente nagpositibo sa COVID-19 sa Iran

Tatlo pang pasyente sa Iran ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito umakyat na sa 5 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Iran kung saan dalawa dito ang nasawi.

Ayon sa health ministry office ng Iran, dalawa sa mga nagpositibo ay mula sa Qom at isa ay mula sa Arak.

Hindi pa naman inilalabas ng Iran kung ano ang nationality ng tatlo pang bagong tinamaan ng sakit.

Read more...