Dalawang mamamayan ng Australia na inilikas mula sa MV Diamond Princess nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 09:38 AM

Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang dalawang mamamayan ng Australia na inilikas mula sa cruise ship na MV Diamond Princess.

Ayon sa health department ng Australia, sa 170 mamamayan nila mula sa barko, 2 ang nagpositibo sa nakamamatay na sakit.

Ang lahat ng inilikas na mamamayan Australia ay isinailalim muli sa 14 na araw na quarantine period.

Lahat din sila ay isinailalim sa pagsusuri at ang mga mayroong sintomas ng trangkaso ay sinuri sa COVID-19.

Pagdating sa Australia, anim ang nakitaan ng minor respiratory symptoms gaya ng lagnat.

Maliban sa dalawa na nagpositibo, ang iba pa ay nakitaan lamang ng mild na sintomas gaya ng sipon.

TAGS: Australia, australian citizen, China, COVID-19, cruise ship, disease, Health, Hubei Province PH News, Inquirer News, Japan, mv diamond princess, ncov, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, Australia, australian citizen, China, COVID-19, cruise ship, disease, Health, Hubei Province PH News, Inquirer News, Japan, mv diamond princess, ncov, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.