29 na Volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa magdamag
Nakapagtala ng 29 na volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Taal Volcano Bulletin ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga, nagkaroon din ng mahihinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa crater ng Bulkang Taal na ang taas ay 50 meters.
Nananatiling nakatas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano.
Dahil dito patuloy ang paalala ng Phivolcs sa publiko na maari pa ring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.
Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI) na sakop ng Permanent Danger Zone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.