SMC binubuo na ang bagong disenyo para sa MRT-7 station sa QC Memorial Circle

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 08:04 AM

Binubuo na ang bagong disenyo para sa istasyon ng MRT-7 na itatayo sa Quezon City Memorial Circle.

Ito ay matapos na umalma ang Quezon City local government sa nabagong disenyo ng MRT station na higit na mas malawak at mas mataas kumpara sa orihinal na napagkasunduan at naaprubahang disenyo.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nag-commit ang San Miguel Corporation (SMC) na sa loob ng 10 araw ay mailalabas nito ang bagong disenyo.

Nagpaliwanag naman si DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan sa naging pagbabago sa disenyo ng MRT-7 Station.

Aniya taong 2008 pa ang orihinal na plano kaya nagkaroon ng pagbabago sa disensyo dahil maituturing na aniyang outdated ang disenyo ng istasyon.

TAGS: dotr, Inquirer News, MRT 7, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website, dotr, Inquirer News, MRT 7, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.