Kyrie Irving hindi na makakalaro sa nalalabing bahagi ng 2019-2020 season ng NBA

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 07:30 AM

Tuluyan nang hindi makakalaro sa nalalabing bahagi ng 2019-2020 season ng NBA si Kyrie Irving ng Brooklyn Nets.

Kakailanganing sumailalim sa operasyon ni Irving para sa injury niya sa balikat.

Mula noong Nov. 16 hanggang Jan. 10, 25 magkakasunod na laro na ang hindi nadaluhan ni Irving.

Huli itong nakapaglaro noong Feb. 1 sa laban ng Nets kontra Washington Wizards.

Mayroon pang nalalabing 29 na laban ang nets sa nalalabing regular season.

Malaking kawalan sa koponan si Irving na mayroong average na 26 points, 5.4 assists at may 53 shooting percentage.

TAGS: basketball, Inquirer News, kyrie iriving, NBA, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, shoulder injury, sports news, Tagalog breaking news, tagalog news website, basketball, Inquirer News, kyrie iriving, NBA, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, shoulder injury, sports news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.