Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag

Bahagya pang nabawasan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, February 21 ay 202.48 meters ang water level ng Angat dam.

Mas mababa kumpara sa 202.50 meters na water level nito kahapon ng umaga.

Nabawasan din ang water level ng Ipo dam at La Mesda dam na nasa 202.50 meters at 77.62 meters.

Pawang nabawasan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, at Magat dams.

Habang nadagdagan naman ng bahagya ang antas ng tubig sa Ambuklao at Caliraya dams.

Read more...