Pinakamalamig na temperatura ngayong taon naitala sa Baguio City

February 21, 2020 - 06:39 AM

Bumagsak pa ang temperatura sa Baguio City ngayong Biyernes (Feb. 21) ng umaga.

Ayon sa PAGASA Synoptic sa Baguio, naitala ang 9.4 degrees Celsius sa lungsod alas 6:00 ng umaga kanina.

Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa Baguio City ngayong 2020.

Kahapon naman naitala ang ikalawa sa pinakamababang temperatura sa Baguio City ngayong taon.

Ito ay matapos bumagsak sa 10 degrees Celsius ang temperatura sa lungsod, alas 7:45 ng umaga.

Sa kasaysayan, 6.3 degrees Celsius ang pinakamalamig na temperatura na naitala sa Baguio City at ito ay noong Jan. 18, 1961.

TAGS: 9.4 degrees celsius, baguio city, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, 9.4 degrees celsius, baguio city, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.