2 pulis sugatan, magnanakaw patay sa engkwentro sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 06:13 AM

Sugatan ang dalawang pulis habang napatay naman nila ang isang lalaki na nagtangkang manloob sa isang bahay sa Payatas B sa Quezon City.

Ayon kay Police Staff Sgt. Jonathan Lugo ng Quezon City Police District Station 6, nakatanggap sila ng sumbong na mayroong dalawang lalaki na nagtangkang pumasok sa isang bahay sa Santo Niño Street.

Nang dumating ang mga pulis, isang suspek na lang ang kanilang naabutan dahil nakatakas ang isa pa.

Nang aarestuhin na ay bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak nito ang dalawang pulis.

Doon na siya pinaputukan ng mga otoridad.

Nagtamo ng sugat ang mga rumespondeng sina Police Capt. John Versoza at Police Corporal Rocky Opiana.

Inaalam pa kung ano ang pagkakakilanlan ng suspek.

TAGS: Inquirer News, metro news, Payatas, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police operation, police report, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, metro news, Payatas, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police operation, police report, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.