Camarines Sur isinailalim sa red alert status dahil sa ASF

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2020 - 05:35 AM

Nagdeklara na ng red alert status sa lalawigan ng Camarines Sur dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ito ay matapos makumpirma ang kaso ng ASF sa munisipalidad ng Bombon.

Base sa memorandum order ni Camarines Sur Gov. Miguel Luis Villafuerte, inatasan ang lahat ng alkalde at mga kapitan ng barangay na buhayin ang emergency operations center para sa pagkontrol ng ASF.

Pinaiigting din ang border control measures sa pamamagitan ng pagtatayo ng checkpoints sa lahat ng entries at exit areas.

Iniutos din ang pagsasagawa ng bio-control at safety measures sa pamamagitan ng regular na disinfection at oagbabawal sa swill feeding.

Ang mga nakontaminang baboy sa Bombon ang unang kaso ng ASF sa Bicol Region.

TAGS: African Swine Fever, ASF, camarines sur, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, red alert, Tagalog breaking news, tagalog news website, African Swine Fever, ASF, camarines sur, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, red alert, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.