WATCH: Pagdinig ng Senado sa prangkisa ng ABS-CBN, labag sa Konstitusyon

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na labag sa konstitusyon ang gagawing pagdinig ng Senado sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Aniya, kapag ibinasura ng Kongreso ang prangkisa ng TV network ay wala namang dapat dinggin ang Senado.

Samantala, inihayag din nito na posibleng hindi na matatalakay ng Kamara ang prangkisa ng Lopez-led Corporation bago ang Mahal na Araw sa Marso.

Narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon:

Read more...