South Korea, nakapagtala ng unang kaso ng pagkasawi bunsod ng COVID-19
By Angellic Jordan February 20, 2020 - 07:32 PM
Nakapagtala ang South Korea ng unang kaso ng pagkasawi bunsod ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Hindi naman naglabas ng iba pang detalye ang Korea Centers for Disease Control and Prevention ukol sa nasawing pasyente.
Unang inanunsiyo na nasa 82 ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Kasunod nito, hinikayat ni Daegu Mayor Kwon Young-jin ang nasa 2.5 milyong katao na iwasan munang lumabas kung hindi kinakailangan para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.