Mga Filipinong sakay ng cruise ship sa Japan, makakauwi ng Pilipinas sa Feb. 23

By Angellic Jordan February 20, 2020 - 07:10 PM

Makakauwi na ng Pilipinas ang mahigit 500 Filipinong sakay ng nakadaong na M/V Diamond Princess cruise ship sa Japan sa araw ng Linggo, February 23.

Sa isang press briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na isasakay ang mga Filipino sa dalawang eroplano patungong Haribon Hangar Clark Air Base.

Mula rito matapos ng immigration procedures, isasakay naman ang mga Filipino sa mga itatalagang bus patungong New Clark City sa Capas, Tarlac para isailalim sa quarantine.

Ayon pa sa kalihim, 10 team mula sa 16 ospital ang nagboluntaryo para tumulong sa quarantine procedure ng mga Filipino.

Sa tala, nasa kabuuang 538 ang Filipino sa cruise ship kung saan 531 ang crew member habang pito naman ang pasahero.

Sinabi ni Duque na hindi pa tiyak kung ilang Filipino sa cruise ship ang mare-repatriate dahil depende pa ito kung mayroong magnais na manatili sa barko.

Hindi naman aniya kabilang sa mga mapapauwi ang mga Filipino na mayroong sintomas ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Paliwanag ni Duque, kailangan munang dumaan sa pagsusuri at treatment ang mga nagpositibong Filipino sa sakit sa ospital sa Japan.

Gayunman, inihayag nito na handa ang gobyerno na mapauwi ang mga Filipinong nagpositibo sa sakit oras na maka-recover mula sa virus.

Sa huling tala, nasa 44 na Filipino na sakay ng cruise ship ang nagpositibo sa COVID-19.

TAGS: COVID-19, Diamond Princess cruise ship, doh, quarantined cruise ship, quarantined cruise ship in Japan, repatriation, Sec. Health Secretary Francisco Duque III, COVID-19, Diamond Princess cruise ship, doh, quarantined cruise ship, quarantined cruise ship in Japan, repatriation, Sec. Health Secretary Francisco Duque III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.